Kilalanin ang father-daughter dancing duo na kinagigiliwan ng netizens!

Kilalanin ang father-daughter dancing duo na kinagigiliwan ng netizens!

Sino ang mag-aakalang ang simpleng pagsasayaw habang nagwawalis ay kagigiliwan nang husto ng mga taong gumagamit ng internet?
Ganito ang nangyari sa video ni Fernando Capulong Jr. nang i-upload sa TikTok ng kanyang anak na si Nikki ang video ng kanyang pagsasayaw habang nagwawalis.
Marami agad ang humanga, natuwa, at nagkomento sa TikTok account ni Nikki kunsaan ito na-upload.
May mga humiling pa nga na mag-"collab" sila ng kanyang ama sa pagsasayaw.
Ang resulta– ang mas kinatuwaang father-daughter dancing duo na Jun & Nikki!
Sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit two thousand subscribers ang YouTube channel nilang mag-ama.
Hindi lang dance videos ang laman ng channel, kundi vlog entries nilang mag-ama.
Panoorin ang video para mapanood kung gaano kahusay magsayaw ang mag-amang ito, kung bakit magaling sumayaw si Mang Jun kahit sa edad nitong 53, at ano ang naidulot sa kanila ng pagiging sikat nila ngayon sa internet.
#junandnikkidancevideos #fatherdaughterdanceduo #OGFatherDaughterDancingDuo
Know the latest in showbiz on
Subscribe to our YouTube channel!
Follow us!
Instagram:
Facebook:
Twitter:
Visit our DailyMotion channel!
Join us on Viber:

#pepalerts,#peptalk,pep ph