Sa loob ng limang araw mula nang i-upload ng Wish 107.5 ang "Hate" performance video ni Michael Pacquiao, 18, nakakuha na agad ito ng higit pa sa limang milyong video views sa YouTube.
Instant internet sensation ang pangalawang anak na ito ni boxing champ at senador na si Manny Pacquiao.
Sa kabila ng iniaatang sa balikat niya na pressure at expectations dahil sa pagiging anak ng isang sikat na personalidad, wala namang intensyong sumikat nang husto si Michael.
Gusto lang daw niyang i-share ang kanyang musicality at maka-inspire ng ibang tao, ayon sa kanyang PEP Exclusives interview with Jimpy Anarcon and Bernie Franco.
"For me, I don’t really felt pressured. Like, I really have to be a professional, I have to be really good, and impress everyone, gano’n.
"I only did this because I love it, you know.
"I would share my music to everyone because I want to share my talent with people. And hopefully, inspire and motivate other people to do what they wanna do and share their talents as well.
"And I can see it also, when people are thanking me and people are saying I helped them and stuff. So, I feel blessed and grateful for that," sabi pa ni Michael.
Panoorin ang kanyang buong PEP Exclusives interview para makilala pa nang husto ang talented na baguhang rapper na ito.
Para sa kaugnay na artikulo, i-click ito:
Interviewers: Jimpy Anarcon & Bernie Franco
Video and Editing: Rommel R. Llanes
Know the latest in showbiz on
Subscribe to our YouTube channel!
Follow us!
Instagram:
Facebook:
Twitter:
Visit our DailyMotion channel!
Join us on Viber: