Ang tunay na kuwento sa likod ng suntukang Red Sternberg-Onemig Bondoc sa set noon ng T.G.I.S. PEP Live Choice Cuts

Ang tunay na kuwento sa likod ng suntukang Red Sternberg-Onemig Bondoc sa set noon ng T.G.I.S. PEP Live Choice Cuts

Naging masaya ang T.G.I.S. mini-reunion na nangyari sa Thursday, August 27, 2020-episode ng PEP Live.
Marami kasing binalikan at ni-reveal ang stars ng popular GMA-7 ’90s teen-oriented show na sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Red Sternberg, Michael Flores, Ciara Sotto, at Bernadette Allyson.
Kasama pa sa Zoom interview na ito at nakibuko rin ang creators ng show na sina T.G.I.S. head writer Kit Villanueva, Director Mark Reyes, at Director Dominic Zapata.
Kabilang sa mga naging topic sa mini-reunion ng T.G.I.S. barkada ay ang pagiging witness ng cast at production sa naging matinding away sa set ng show.
Siyempre pa, ang away nina Red at Onemig Bondoc ang unang-unang pumasok sa isipan ng mga bituin, mga direktor, at writer ng show.
At tila for the first time, in-address ni Red ang naging isyung ito sa kanila kapwa T.G.I.S. barkada.
"Matagal na yan, e. Lumang kuwento na yan, e…" komento muna ni Red.
Matapos linawin na hindi naman talaga si Michael ang pinagmulan ng kuwento–na ipinipilit ni Angelu–inamin ni Red na mapaghamon daw talaga siya noong araw, lalo na sa mga hindi nakakatanda ng linya.
"Yung mga sagutan, pikunan, whatever… kasi parang, 3 or 4 in the morning, ‘tapos may mga mokong na hindi alam yung linya, talagang gano’n lang. Nagkakainitan."
Patotoo naman ni Bobby, mainitin daw talaga ang ulo ni Red, lalo na pag naistorbo sa tulog nang hindi pa niya take o oras para magtrabaho.
"Aside from that [yung nangyari sa kanila ni Onemig]… wala. Wala na…" paglilinaw ni Red.
Pero paglilinaw ng direktor ng show mismo na si Mark Reyes, may kinalaman siya kung bakit sinapak ni Red si Onemig.
Ini-reveal din ni Red na namura rin niya dati si Angelu.
Nasorpresa naman at hindi na matandaan ni Angelu ang insidenteng minura nga siya ni Red.
Panoorin ang video para malaman ang mga pagtatapat nina Direk Mark at Red.
Para sa kumpletong PEP Live interview ng T.G.I.S. barkada, i-click ang link na ito:
#TGIS25onPEPLive #TGIS #TGIS25 #Batang90s
Host: Jimpy Anarcon
Producer: Rommel Llanes
Director: Kim Justine Gan
Know the latest in showbiz on
Subscribe to our YouTube channel!
Follow us!
Instagram:
Facebook:
Twitter:
Visit our DailyMotion channel!
Join us on Viber:

pep ph latest showbiz news,pep ph live,pep ph