Enzo Santiago sa pagiging bida sa BL series: 'Laging gamit ang katawan mo.' PEP Live Choice Cuts

Enzo Santiago sa pagiging bida sa BL series: 'Laging gamit ang katawan mo.' PEP Live Choice Cuts

Sa PEP Live guesting ng newcomers na sina Enzo Santiago at Darwin Yu, ikinuwento nila sa host na si Jimpy Anarcon kung paano nila nakuha ang lead roles sa soon-to-air BL series na My ExtraOrdinary.
Ang My ExtraOrdinary ang unang BL o Boys Love series na ipapalabas sa telebisyon.
Bago sila, marami nang naunang local BL series na ipinalabas pero sa online lang, katulad ng Gameboys, Hello Stranger, at Kumusta Bro.
Ayon sa dalawa, January pa lang ay sinabi na sa kanila na may gagawin silang TV series.
At dahil baguhan pa lang, excited sina Enzo at Darwin agad kung anuman ang gagawin nilang serye, kahit na wala silang alam gaano kung ano talaga ito.
Sa first meeting nila with the writers, director, at producers, doon lang nila nalaman na isang "LGBT series" ang gagawin nila at silang dalawa ang magka-love team.
"Sinabi lang sa amin, kami ang partner. Nagulat kami," kuwento ni Darwin.
"Yung babae pala yung mang-aagaw," natatawa namang sabi ni Enzo.
Bago napiling mga bida sa My ExtraOrdinary, nagsimula muna bilang mga "extra-extra" sina Enzo at Darwin.
Unti-unti ay napansin sila at nagkaroon ng mga mas mahahabang parts sa ilang TV projects.
Naging support / kontrabida si Enzo sa IBC13 /Net25 series na The Prodigal Prince at nakasama sa ilang indie films.
Si Darwin naman ay nagsimula ring bilang "talent" at kalauna’y napasama sa indie films matapos um-attend ng acting workshops.
Ang first big break niya ay ang indie film na 1st Sem kasama si Lotlot de Leon.
Na-nominate siya rito bilang new movie actor of the year sa 2017 Star Awards for Movies at sa kategoryang best actor naman sa 2018 Madrid International Film Festival.
Panoorin ang video para sa iba pa nilang kuwento tungkol sa kanilang TV series na My ExtraOrdinary.
Para sa full PEP Live interview nina Enzo at Darwin, i-click ang link na ito:
#enzosantiago #darwinyu #myextraordinary #peplive
Host: Jimpy Anarcon
Producer: Rommel Llanes
Director: Kim Justine Gan
Subscribe to our YouTube channel!
Follow us! Instagram:
Facebook:
Twitter:
Visit our DailyMotion channel!
Join us on Viber:

pep ph,philippine entertainment portal,philippine entertainment